Tuesday, March 31, 2026

SUPORTA SA MGA PAMILYANG APEKTADO NG SUNOG SA SAN FERNANDO CITY, LA UNION, SINIGURO NG PAMAHALAANG LUNGSOD

Siniguro ng pamahalaang lungsod ng San Fernando City, La Union ang agarang suporta sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Purok 6, Barangay Pagdalagan noong gabi ng Marso 29, 2026.

Matapos ang ulat ng insidente ay agad na rumesponde ang San Fernando Fire Station at City Disaster Risk Reduction and Management Office upang apulahin ang sunog at tiyakin ang kaligtasan ng mga residente sa lugar.

Nabigyan na rin ng paunang assessment ang mga apektadong pamilya sa tulong ng City Social Welfare and Development Office upang matukoy ang kinakailangang tulong at interbensyon.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng sunog at ang kabuuang halaga ng pinsala na dulot ng insidente.

Nanawagan ang pamahalaang lungsod sa publiko na manatiling alerto at maging maingat sa kanilang mga ari-arian upang maiwasan ang kahalintulad na insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments