
Pinagtibay ng Local School Board (LSB) ng Dagupan City ang suporta sa mga programang pang-edukasyon ng lungsod sa isinagawang unang Local School Board Meeting para sa taong 2026, na nakatuon sa pagpaplano at paglalaan ng sapat na tulong para sa mga mag-aaral.
Sa pulong, tinalakay ang mga update at usapin kaugnay ng Education Budget 2026, kabilang ang pag-aayos at pag-upgrade ng mga aklatan, pagpapatupad ng Gulayan sa Paaralan, Math and Science Robotics program, PTA Summit 2026, at school-based immunization.
Ayon sa LSB, ang mga programang ito ay nakatuon sa pagkatuto, kalusugan, at nutrisyon ng mga mag-aaral.
Binigyang-diin din sa pagpupulong ang kahalagahan ng patuloy na koordinasyon ng lokal na pamahalaan, mga paaralan, at iba pang katuwang sa sektor ng edukasyon upang masiguro ang maayos na pagpapatupad ng mga proyekto.
Layunin ng mga hakbang na ito na mapahusay ang kalidad ng edukasyon at matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










