Pinalakas sa Bautista ang suporta para sa mga Persons with Disabilities (PWDs) matapos mamahagi ng mga assistive devices na kabilang ang wheelchair, tungkod, at iba pang mobility aids mula sa lokal na pondo ng munisipyo.
Layon ng programa na mapagaan ang pang-araw-araw na paggalaw ng mga benepisyaryo at matulungan silang maging mas malaya at komportable sa kanilang mga gawain.
Nagpahayag ng pasasalamat ang mga tumanggap ng kagamitan, na nagsabing malaking tulong ito sa kanilang mobilidad at pang-araw-araw na pamumuhay.
Inihayag naman ng lokal na pamahalaan na ipagpapatuloy nito ang mga inisyatibang nakatuon sa mga sektor na nangangailangan ng karagdagang suporta. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









