Manila, Philippines – Isinuko ng mga opisyales ng lokal na pamahalaan ng Barongis, Maguindanao ang kanilang 20 mga matataas na kalibre ng armas sa militar kahapon. Ayon kay Col. Gerry Besana ang Civil Military Operation Battalion Commander, kahapon isinagawa ang turn-over ceremony sa Municipal Gym ng Barongis. Kabilang sa mga isinuko ng mga opisyales ay ang dalawang M14 rifles, apat na Garand rifles, isang carbine, dalawang barrets, dalawang m79, apat na RPG, isang springfield, isang homemade grenade launcher, isang M203 grenade launcher at dalawang submachine guns. Sinabi ni Besana na ang pagsuko ng armas ng mga opisyales ay dahil sa suporta ng mga ito sa kampanya ng militar kontra loose firearms. Sa ngayon, ayon kay Besana mayroon nang kabuuang 179 na mga baril na walang mga lisensya ang isinuko sa 6th infantry division ng Philippine Army simula noong January 1, 2018 hanggang kahapon.
SUPORTA SA MILITAR | 20 mga matataas na kalibre ng armas, isinuko ng ilang local officials sa Barongis, Maguindanao
Facebook Comments