Suporta sa paggamit ng automated election system, lumalakas

Mas tumibay pa ang tiwala ng publiko sa paggamit ng automated election system batay sa pinakahuling election surveys.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson John Rex Laudiangco na 83 porsiyento ng mga Pilipino ang naniniwalang kapani-paniwala at tumpak ang resulta ng halalan.

Patunay ito, ayon sa COMELEC, na gumagana ang sistema at tinatanggap ng taumbayan ang naging proseso.

Ipinakita rin sa survey na 86 porsiyento ng mga botante ang nagsabing madali at maginhawang gamitin ang vote counting machines, lalo na sa bilis ng pagboto at pagbibilang ng resulta.

Nasa 96 porsiyento din ang nais na ipagpatuloy ang automated election system sa mga susunod na eleksiyon.

Giit ng COMELEC, naging bukas at malinaw ang buong proseso dahil sa resibo ng boto, nakikitang balota, mabilis na transmission, at real-time na paglalabas ng resulta.

Facebook Comments