Suporta sa pamilya ng mga nasawing Filipino sa pag-atake ng Houthi rebels, pinatitiyak ni PBBM

Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang buong suporta ng pamahalaan sa pamilya ng mga Filipino seafarers na nasawi at nasugatan sa pinakahuling pag-atake ng Houthi rebels sa bahagi ng Red Sea at Gulf of Eden.

Sa isang pahayag mula sa Presidential Communications Office, nagpapatuloy ang panawagan ng pamahalaan para sa pagpapatuloy na diplomatic efforts upang mapababa ang tensyon at matugunan ang sanhi ng conflict sa Gitnang Silangan.

Kaugnay nito, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Migrant Workers (DMW) sa manning agency ng barko at may-ari ng barko para alamin ang mga kondisyon ng iba pang tripulante ng barko.


Siniguro rin ng ahensya ang tulong at suporta sa mga pamilya ng biktima, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos.

Matatandaang noong Nobyembre, mayroon ding 17 Filipino seafarers na binihag ng Houthi rebels sa parehong lugar.

Facebook Comments