
Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) ang tuloy-tuloy at matibay na suporta para sa pamilya ng overseas Filipino worker (OFW) na nahatulan ng parusang bitay sa Kuwait.
Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, patuloy nilang ibibigay ang serbisyo at tulong sa pamilya—lalo na sa mga anak na menor de edad na higit na nangangailangan ng kalinga at gabay sa ganitong sitwasyon.
Ani Cacdac, nais nilang makapag-aral, masuportahan, at mabigyan ng maayos na edukasyon at gabay ang mga anak ng naturang Pinoy.
Mayroon umanong legal team o kinatawan ang bawat kaso upang tiyakin na naipagtatanggol ang karapatan ng ating mga kababayan.
Samantala, regular naman ang isinasagawa nilang jail visits sa mga nakakulong na OFW bilang pagpapakita ng pagkalinga at pakikiisa sa kanila.










