SUPORTA SA PAMILYA NG OFW SA ALCALA NA KASALUKUYANG NAKAKULONG SA UKRAINE, SINIGURO

Siniguro ng Department of Migrant Workers (DMW) Region 1 ang suporta sa pamilya ng isang OFW mula Alcala, Pangasinan na kasalukuyang nakakulong sa Ukraine sa pamamagitan ng isinagawang home visitation katuwang ang pamahalaang bayan ng Alcala.

Ang OFW na si Raymon Gumangan ay napaulat na na-recruit online para sa umano’y lehitimong trabaho sa Russia na may pangakong mataas na kita.

Gayunman, ayon sa kanyang pamilya, nauwi ito sa paglahok niya sa combat operations sa Ukraine kung saan siya kalaunan ay nahuli ng Ukrainian forces at kasalukuyang nasa kustodiya ng mga ito.

Layunin ng pagbisita ng DMW na masuri at ma-update ang kasalukuyang sitwasyon ni Gumangan, gayundin ang kalagayan ng kanyang pamilya, upang mapabilis ang pagbibigay ng kinakailangang tulong at legal na suporta para sa kanyang kaso.

Ngayong linggo lamang ay inilantad ng pamilya ang umano’y online recruitment scheme na naging sanhi ng pag-alis ni Gumangan patungong Russia, na sa halip na trabaho ay nauwi sa pagkakasangkot sa digmaan at pagkakakulong sa Ukraine. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments