SUPORTA SA PEDERALISMO | Dating Sulu Governor Abdusakur Tan, naninwala na mas dapat isulong ang Pederalismo kaysa BBL

Manila, Philippines – Nananawagan si Dating Sulu Governor Abdusakur Tan sa mga kapwa nito Moro na mas suportahan at pagtuunan ng pansin ang pagsusulong ng pederalismo kaysa sa Bangsamoro Basic Law (BBL).

Sa ikalawang pagdinig ng Senado kaugnay sa Bangsamoro Basic Law, umapela si Dating Sulu Governor Tan sa mga Moro na sa halip na ipakilala ang kanilang mga sarili bilang Moro o Muslim at manatili sa iisang teritoryo, sa ilalim ng BBL, dapat ay mas pinagtutuunan nilang magpakilala bilang mga Pilipino.

Ang problema kasi ayon kay Tan, ay ipinapakilala ng mga moro ang kanilang sarili bilang Muslim, at nagnanais na manatili sa kanilang lugar, gayung pare-pareho naman aniya tayong mga Pilipino, na nasa ilalim ng iisang batas.


Kaya’t mas naaayon aniya na antayin na lamang ang Federalismo, dahil mas angkop aniya ng maging bahagi ng isang buong bansa kaysa ng iilang probinsya.

Facebook Comments