Pinuri ni House Appropriations Committee Chairman at Ako Bicol Partylis Rep. Elizaldy Co ang pag-aresto ng Philippine National Police (PNP) kay Pastor Apollo Quiboloy.
Kahanga-hanga para kay Co ang paggamit ng PNP ng ground penetrating radar na naglantad sa underground facilities ng Kingdom of Jesus Christ o KOJC compound.
Bunsod nito ay tiniyak ni Co na mabibigyan ng sapat na pondo ang PNP para ilaan sa pagbili ng mas maraming tactical field equipment.
Para kay Co, kailangan din ng PNP ng mas maraming air assets kasama ang unmanned drones na may taglay na ground penetrating radar at infrared night vision.
Ayon kay Co, ang matinding suliraning hatid ng KOJC at Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ay patunay ng matinding pangangailangan na paghusayin ang modernong teknolohiya sa paglaban sa krimen.