Tuesday, February 24, 2026

SUPORTA SA SEGURIDAD SA PAGKAIN SA DAGUPAN CITY, PINALAKAS SA PAMAMAHAGI NG MGA BUTO NG GULAY

Pinalakas ang suporta sa seguridad sa pagkain sa Dagupan City sa pamamagitan ng pamamahagi ng iba’t ibang buto ng gulay sa 70 benepisyaryo mula sa mga nasyonal na ahensya at kawani ng lungsod kasabay ng flag raising ceremony kahapon, Pebrero 23, 2026.

Pinangunahan ng City Agriculture Office ang aktibidad kung saan hinikayat ang mga empleyado na magtanim at makiisa sa pagsusulong ng urban gardening bilang hakbang sa pagkakaroon ng sapat at masustansyang pagkain.

Nagkaroon din ng maikling “hidden object game” na nagbigay ng katuwaan sa mga kalahok bago isinagawa ang pamamahagi ng mga buto.

Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ang inisyatiba ng tuloy-tuloy na pagsisikap ng lungsod na palakasin ang seguridad sa pagkain at pangalagaan ang kalikasan.

Kaugnay nito, sa mensahe ng bise alkalde, binigyang-pugay ang dedikasyon ng mga empleyado at ang kanilang patuloy na paglilingkod para sa mga residente ng lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments