Suporta Sa Speakership Ni Congressman Bebot Alvarez, Nadagdagan Pa

6

MANILA – Lumagda na rin sa isang kasunduan at pagbibigay suporta ang mga Partylist Congressman para kay presumptive House Speaker Pantaleon Alvarez.Tinatayang nasa 35 na mga Partylist Congressmen ang pumirma sa “covenant of support” para kay Alvarez sa pangunguna ni 1Pacman Party-List Rep. Mike RomeroKasama rin ang mga Partylist na 1Care, Aangat Tayo, ABS, Agbiag, Amin, A-Teacher, Butil, Kabayan, Manila Teachers, TUCP, Ako Bicol, at 1-Sagip, Aasenso, Acts-OFW, Agri, Ang Kabuhayan, BH, Cibac,Kalinga, Mata, Yacap, 1-Ang Edukasyon, Ambis-OWWa, Abnag Lingkod, Agap, Akbayan, Angkla, Buhay, Coop-Natco, Kusugtausug at PBA.Nanumpa rin bilang bagong myembro ng Pdp-Laban sina Reps. Ricky Sandoval (Malabon), Bambol Tolentino (Tagaytay), Estrelita Suansing (Nueva Ecija), Along Malapitan (Caloocan) at Bingbong Crisologo (Quezon City).Bukod sa Speakership ni Alvarez, nagbigay rin ng suporta ang mga Partylist Congressmen sa papasok na administrasyon ni Duterte.

Facebook Comments