Pinalakas ng Dagupan City ang suporta para sa mga biktima ng Violence Against Women and Children (VAWC) sa pamamagitan ng pamamahagi ng hygiene at dignity kits sa ilang benepisyaryo ng VAWC at Lingap Dagupeña.
Ang aktibidad ay bahagi ng mga programa ng lungsod para magbigay ng agarang tulong at proteksyon sa kababaihan at kabataan na nakararanas ng pang-aabuso.
Nilalayon nitong maihatid ang mga pangunahing pangangailangan at maipadama na may mekanismong handang umalalay sa kanila.
Tiniyak din ng pamahalaang lokal na magpapatuloy ang mga serbisyong nakatuon sa kaligtasan at kapakanan ng bawat Dagupeña, habang pinalalawak ang mga hakbang para sa mas ligtas at mas inklusibong komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









