SUPORTADO | 21 mambabatas, nagpahayag ng suporta sa pagbabalik ng peace talks

Manila, Philippines – Inihain ng dalawampu’t isang mga kongresista ang resolusyon para sa paggiit ng muling pagpapatuloy ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front (NDF).

Ang paghahain ng resolusyon ay kasunod ng ika-20 anibersaryo ng pagpirma sa Comprehensive Agreement of the Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL).

Pirmado ng 21 kongresista ang House Resolution 2056 na nananawagan sa muling pagbubukas ng negosasyon sa usaping kapayapaan.


Pinangunahan ng Makabayan ang paghahain ng resolusyon kung saan nakasaad dito ang pagsunod ng dalawang panig sa “stand-down agreement” para sa pagpapatuloy ng “goodwill at confidence-building measures”.

Sa ilalim din ng resolusyon ay isinusulong ang pagbuo ng interim peace agreement na naglalaman ng mga pangunahing probisyon tulad ng Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER), general amnesty para sa mga political prisoners at coordinated unilateral ceasefire.

Facebook Comments