SUPORTADO | Bagong CEZA director, iginiit sa bagong house speaker na madaliin na ang TRAIN 2

Manila, Philippines – Suportado ni Cagayan Economic Zone Authority Director Raul Lambino ang pagpasa ng bagong package ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Part 2.

Ayon kay Lambino, mainam na mapasimulan na ang debate sa House of Representative ng TRAIN 2 upang mawala na ang pangamba sa sinasabing negatibong epekto nito sa kabuhayan ng pangkaraniwang mamamayan.

Aniya, mahalaga na mabigyan ng tamang impormasyon ang publiko sa tunay na layunin nito.


Aniya, may sistematikong kampanya para pasamain ang TRAIN 2 gayong hindi naman ito lilikha ng bagong buwis na ipapataw sa taumbayan.

Layunin lamang nito na mapababa ang corporate tax upang maalis ang Pilipinas sa may pinakamalaking corporate tax sa Asia.

Sinabi pa ni Lambino na nagkausap sila ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at tiniyak nito na priyoridad ang pagpasa sa TRAIN-2.

Facebook Comments