SUPORTADO | Bubuuing three-man Dengvaxia panel, bukas sa DOH

Manila, Philippines – Bukas sa Department of Health (DOH) ang bubuhuing three-man Dengvaxia panel na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, III, suportado nila ang hakbang ng Pangulo na mag-imbita ng mga eksperto mula sa mga kalapit na ASEAN countries para siyasatin ang isyu ng Dengvaxia.

Humiling na rin aniya sila sa kongreso at Department of Budget and Management (DBM) na ibigay sa DOH ang 1.16 billion pesos refund mula sa Sanofi Pasteur.


Tiniyak din ng kalihim na patuloy na tinutugunan ng DOH ang pangangailangan at atensyong medikal ng mga batang naturukan ng Dengvaxia.

Una nang sinabi ng Malacañang, na layunin ng three-man panel na mabigyang linaw ang hindi matugmang findings ng Philippine General Hospital (PGH) at Public Attorney’s Office (PAO) hinggil sa kaso.

Facebook Comments