Manila, Philippines – Inihayag ni Senate President Tito Sotto III na nagkasundo ang lahat ng mga senador na kasapi ng mayorya at minorya na suportahan ang isinusulong ng Malacañang na cash-based national budget para sa 2019.
Ayon kay Finance Committee Chairperson Senator Loren Legarda, nagpasyahan ito ng mga senador sa layuning madisiplina ang mga ahensya ng gobyerno sa paggastos at matugunan ang underspending.
Tinukoy ni Legarda ang report ng Department of Budget and Management o DBM na pumalo sa 13 % o 631-billion pesos ang underspending ng gobyerno o hindi nagastos noong 2014 at 2015.
Umabot naman sa 96.3 billion pesos ang nasayang na pondo ng pamahalaan noong 2016 at 85.2 billion pesos noong 2017.
Sa cash based budgeting system ay isang taon lang ang bisa ng pondo at kapag hindi natapos ng isang ahensya ang proyekto na pinaglaanan nito ay balik sa national treasury ang sobrang pondo.