SUPORTADO | Dating Senador Bongbong Marcos, pabor sa pag-atras ni Pangulong Duterte sa ICC

Manila, Philippines – Suportado ni dating Senador at Vice Presidential
aspirant, Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ang ginawang pag-atras ni
Pangulong Rodrigo Duterte sa Rome Statute.

Sa ginanap ng forum sa Kapihan ng Samahang Plaridel sa Manila , inihayag ng
dating Senador na tama lamang ang hakbang ng Pangulo lalo na at ginagamit
lamang ng mga opisyal ng International Criminal Court o ICC sa pamumulitika
ang korte.

Paliwanag pa ng batang Marcos na walang karapatang makialam sa mga
pangyayaring nagaganap sa loob ng bansa ang ICC.


Niliwanag ng dating Senador na kaniyang aalamin sa mga eksperto sa
international law ang maaaring maging implikasyon ng pagbawi ng Pangulo sa
Rome Statute.

Dagdag pa ni Marcos na ang Rome Statute, pandaigdigang tratado na isa sa
halos 150 signatories ang Pilipinas na lumikha sa International Criminal
Court.

Kabilang sa mga International Crime na saklaw ng Rome Statute Genocide,
Crimes Against Humanity, War Crimes, at ang Crime of Aggression.

Facebook Comments