*Manila, Philippines – Nagpahayag ng suporta ang mga senador sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbawal na ang pagpapadala ng mga manggagawang Pilipino sa Kuwait. *
*Ayon kay Senate President Koko Pimentel, hindi dapat panghinayangan ang remittances ng Overseas Filipino Workers o OFWs kung pinapatay at minamaltrato naman ang mga ito. *
*Diin naman ni Senator Francis Chiz Escudero, tama lang ang hakbang ng pangulo dahil apektado na ang seguridad o kaligtasan ng mga Pilipino sa Kuwait. *
*Sabi naman ni Senator Joel Villanueva, maayos na pagtrato at proteksyon ang nararapat sa ating mga OFW sa Kuwait na matagal na panahon ng nagdurusa.*
*Bilang isa babae at mambabatas ay ikinatwiran naman ni Senator Cynthia Villar na tamang ingatan ni Pangulong Duterte ang dignidad at karapatan ng mga Pilipinong mangagawa sa abroad. *