Manila, Philippines – Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpasa ng panukalang bubuo ng ahensyang tututok sa disaster resilience.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, inaprubahan ng gabinete ang panukalang itatag ang Department of Disaster Resilience (DDR), alinsunod na rin sa sinabi ng Pangulo sa kanyang State of the Nation Address (SONA) nitong nakaraang taon.
Layunin ng bagong bubuuing ahensya na tutukan ang disaster at calamity response.
Bubuo rin aniya ng draft ng executive order para sa paglikha ng bagong departamento na isusumite sa Kongreso.
Maglalaan din ng pondo ang gobyerno eksklusibo para sa pagbuo at sa magiging operasyon ng ahensya.
Gayumpaman, ang allocation ay hindi pa kasama sa 2019 proposed budget.
Facebook Comments