SUPORTADO | Federalismo, muling isinusulong ng Pro-Duterte na nagsagawa ng programa sa Mendiola

Manila, Philippines – Humigit kumulang isang libong mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lumusob sa Mendiola upang ipanawagan sa Pangulo na madaliin na ang pagpatutupad ng Federalismo sa bansa.

Bitbit ang mga plakard at banner, nakasaad ang katagang dapat isulong na ang Federalismo sa bansa nagsagawa ng programa sa Mendiola ang mga Pro-Duterte na nanggagaling pa sa ibat ibang probinsiya.

Panawagan nila sa Pangulo na atasan na ang mga mambabatas upang madaliin ang pagbalangkas ng Federalismo dahil naniniwala ang grupo na sa pamamagitan ng naturang sistema ay makakaahon na mula sa kahirapan ang mga Filipino.


Paliwanag ng grupong People’s Congress of the Philippines na sa pamamagitan lamang ng Federalismo ay matutuldukan na ang kahirapan na nararanasan ng mga Filipino sa bansa.

Facebook Comments