SUPORTADO | Grupong BAYAN naniniwalang makakamit na ang minimithing kapayapaan kasunod ng pag-uusap ng North at South Korea

Manila, Philippines – Suportado ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang makasaysayang pag-uusap ng North at South Korea, tungo sa pormal na pagwawakas ng giyera.

Ayon sa grupo, suportado nila ang hangarin ng peaceful reunification and de-nuclearization ng Korean peninsula.

Sinabi pa ng grupo nang dahil sa makasaysayang pag-uusap ng North at South Korea, hindi imposibleng makamit ang kapayapaan.


Kasunod nito naniniwala ang BAYAN na sa kalaunan ay mawawalan na ng silbi ang mga US bases sa Korea.

Kaisa rin aniya ang BAYAN sa mga nagbubunyi sa pagwawakas ng 65 taong gera ng North at South Korea.

Facebook Comments