SUPORTADO | Ilang grupo ng mga negosyante suportado si PRRD sa pagpapatupad ng TRAIN law

Manila, Philippines – Welcome para sa ilang grupo ng mga negosyante ang commitment ni Pangulong Rodrigo Duterte para isulong ang pagpapatupad sa second package ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law bago matapos ang taon.

Isa ito sa laman ng ikatlong SONA ng Pangulo kahapon.

Ayon kay Philippine Chamber of Commerce and Industry chairman George Barcelon kailangang maipatupad ang pangalawang bugso ng TRAIN Law upang pondohan ang ibat-ibang proyekto ng Duterte Administrator.


Kabilang na aniya sa mga popondohang proyekto ay para sa social services, education at infrastructure o yung build build build program na iiwang legacy ni Duterte.

Layon ng proposed second package ng TRAIN law na bawasan ang corporate income tax rates at rationalize incentives na ibibigay sa mga investors.

Sa panig naman ni Management Association of the Philippines President Ramoncito Fernandez suportado din nila ang pagpapatupad sa TRAIN Law gayundin ang commitment ng Pangulo para padaliin ang pagnenegosyo sa bansa, pagbibigay ng subsidiya para sa mga mahihirap, pangangalaga sa kalikasan at ang pagbababa ng mga pangunahing bilihin lalo na ang presyo ng bigas.

Facebook Comments