Manila, Philippines – Hindi lahat ng tambay inosente.
Ito ang patutsada ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos, sa mga human rights groups na bumabatikos sa kampanya kontra tambay ng Philippine National Police (PNP).
Aniya napatunayan niya ito sa mga kanayunan at mga bukid.
Nagpahayag rin ito ng kalungkutan dahil nakikita ang sunod sunod na batikos sa PNP dahil sa kanilang kampanya kontra tambay.
Madalas aniyang napapag-usapan ang human rights ng mga tambay pero tila nakakalimutan ang mga karapatan ng babae na makauwi ng ligtas sa gabi at ng mga matatanda na makalakad ng walang pangamba sa kalye.
Binigyang diin ni Marcos na ang bawat mamamayan ay dapat may freedom from fear, freedom from lawlessness at freedom from violence.
Dagdag pa niya na bilang isang local chief executive, wala aniyang problema sa kanya ang pag-huli ng mga pulis ng mga masasamang elemento ka mga lansangan basta ito ay naayon sa batas.
Si Governor Marcos ang panauhing pandangal sa isinagawang flag raising ceremony sa Camp Crame ngayong umaga.