SUPORTADO | Insurance protection para sa mga negosyo laban sa pag atake ng mga terorista, isinusulong sa Kamara

Manila, Philippines – Nagpahayag ng suporta ang mga kongresista sa panukala na layong bigyan ng gobyerno ng insurance ang mga lenders at investors laban sa pag-atake ng mga terorista.

Maraming mga negosyo sa bansa ang hindi makakuha ng insurance protection laban sa mga future terrorist attacks.

Ganito ang nangyari sa mga negosyo sa Marawi matapos ang giyera laban sa Maute-Isis.


Sa house bill 817 na inihain ni ako Bicol Representative Rodel Batocabe, layunin nito na tulungan ng national government ang mga insurers sa mga nawalang kita o investment dulot ng pag-atake ng mga terorista.

I-a-assess din ang insurance industry para ma-recover o maibalik kahit ang portion o bahagi man lang ng insurance payments.

Dahil sa kawalan ng terrorism protection sa mga investments, malaking banta ito para palaging atakihin mga nasa real estate, transportation, construction, energy, at utility sectors.

Tinukoy naman ni ako Bicol Representative Alfredo Garbin ang ilang pag-atake na ginagawa ng NPA sa Bicol region kung saan pinipilit ang mga contractors na magbigay ng revolutionary tax dahil kung hindi ay susunugin ng mga ito ang kanilang kagamitan.

Facebook Comments