Manila, Philippines – Suportado ng Commission on Human Rights (CHR) ang ikinakasang internal cleansing sa Philippine National Police (PNP).
Ito ay kasunod ng mga naiuulat na insidente ng kidnapping na kinasasangkutan ng mga police scalawag.
Ayon kay CHR Spokesperson Jacquelin De Guia, hinimok pa nito ang pambansang pulisya na paigtingin pa ang paglilinis sa kanilang hanay para maramdaman ng publiko na tagapagtanggol ng karapatan ang mga pulis.
Matatandaang nasa higit 100 pulis ang nakatanggap ng mura at pagbabanta mula kay Pangulong Rodrigo Duterte nang iprinisinta sila sa Malacañang nitong Martes.
Facebook Comments