SUPORTADO | Karapatan ng indigenous peoples para sa inclusive BBL, suportado ng ilang mga Senador

Manila, Philippines – Nagpahayag ng suporta ang ilang mga Senador sa karapatan ng mga Lumad o Indigenous Peoples sa usapin ng Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ayon kay Senador Joel Villanueva dadalhin niya sa plenaryo para pag debatehan ang karapatan ng mga Lumad matapos na makipagpulong ang senador sa mga lider ng Lumad kaugnay sa kanilang concern sa Senate Bill 1717 ang panukalang BBL mula sa Bangsamoro Transition Commission na ini-sponsor ni Senator Juan Miguel Zubiri ang pagkilala ng karapatan ng mga Lumad alinsunod sa Indigenous Peoples Right Act.

Una nang itinulak ni Senator Ralph Recto ang naturang panukala matapos matanggap ang Mindanao Indegenous Peoples Legislative Assembly o MIMLA na kinakailangan ang isang daang porsyentong baguhin ang naturang panukalang batas.
Umaasa naman si Lambangian Leader Timuay Leticio Datuwata na ang mga pangako ng mga Senador na amyendahan ang ilang probisyon ng inclusive BBL ay maisakatuparan sa lalong madaling panahon upang matamasa nila ang kanilang mga karapatan bilang isang Lumad.


Facebook Comments