SUPORTADO | KBP Pangasinan Nagpaabot ng Pasasalamat sa Gobernador!

Malugod na tinanggap ni Atty. Nimrod S. Camba ang mga opisyales at miyembro ng Kapisanan ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas(KBP) Pangasinan Chapter sa Capitol Conference Hall bilang kinatawan ni Governor Amado “Pogi” Espino III para sa scheduled courtesy call.

Sa nasabing pagpupulong ay malugod na iprinisenta ng mga opiyales ang plaque of recognition na nakuha ng organisasyon sa katatapos na Incentive Program ng KBP National bilang Best Chapter at upang iprisenta ang mga bagong halal na officers para sa taong 2018 kay Atty. Camba. Ipinaabot ng mga officers & members ang taos pusong pasasalamat sa suportang nakuha mula sa provincial government noong nakaraang taon na naging malaking tulong upang makamit ang nasabing parangal.

Ipinaabot din ni Governor Espino III ang kanyang mainit na pagbati sa pamunuan ng KBP Pangasinan Chapter sa pamamagitan ni Atty. Camba at ibinahagi nitong handang umagapay ang Provincial Government sa mga proyekto ng organisasyon dahil sa kaparehong adhikain nitong makatulong sa bawat Pangasinense. Masaya ring ibinahagi ng provincial administrator ang mga magaganda at malaking pagbabago sa lalawigan at mga plano ng gobernador upang panatilihing number 1 din ang probinsya sa buong bansa. Kamakilan ay kinilala rin ng DILG ang lalawigan bilang recipient ng Seal of Good Local Governance (SGLG) Award.


Hinimok ni Atty. Camba ang bagong pamunuan ng KBP Pangasinan Chapter na panatilihin ang work of excellence at huwag pakampante upang hindi maungusan ng iba. Ipinaabot din nito na hangad ng gobernador ang katagumpayan ng organisasyon ngayon at sa hinaharap.

Siniguro naman ng mga opiyales ng KBP Pangasinan Chapter na makikipagtulungan ang organisasyon na handa itong umalalay sa mga magandang proyekto ng probinsya para sa ikabubuti ng mamayan. Sa kabila nito ay ang pagpapanatili ng patas at responsableng pamamahayag para sa lahat.

Facebook Comments