Manila, Philippines – Susuportahan ng Philippine National Police (PNP) si Bureau of Correction Chief Under Secretary Ronald Dela Rosa sa laban nito kontra smugglers matapos na italaga ito kahapon bilang Anti-Criminal Council of the Philippines.
Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, nakahanda silang magbigay ng suporta pagdating sa security aide o reinforcement kung kinakailangan.
Iginiit ni Albayalde na talamak pa rin ang smuggling sa bansa kaya kinakailangang tutukan.
Karamihan aniya rito ay pumapasok sa pamamagitan ng backdoor.
Naniniwala naman ang PNP Chief na hindi kakailanganin ng maraming pwersa sa operasyon.
Aniya sasapat na ang territorial units ni Undersecretary Dela Rosa para sa anti-smuggling operations.
Pero sakali aniyang humingi ng tulong si Dela Rosa para dagdag pwersa sa security.
May mobile forces sila para tumulong sa operasyon.