SUPORTADO | League of Municipalities, suportado ang isinusulong na pederalismo

Nagpahayag ng pagsuporta ang abot sa 1,489 na miyembro ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) sa isyu ng pederalismo na sinusulong ng administrasyong Duterte.

Naniniwala si LMP President Mayor Ma. Fe. “Bubut” Brondial ng munisipalidad ng Socorro na malaki ang maitutulong ng pederalismo sa pag-unlad ng kanilang mga munisipalidad.

Inilarga ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang ‘15th Regional Roadshow Para Federalismo’ sa Socorro, MIMAROPA na dinaluhan ng abot sa 2,000 na katao na kinabibilangan ng mga kabataan, mga magsasaka at mangingisda.


Naniniwala si Rehino Hernandez, chairman ng Socorro’s Office of Senior Citizen Affairs na dahil sa pederalismo, mapapalaki nito ang pensyon na nakukuha ng nakakatanda.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments