SUPORTADO | Mandatory drug test sa mga elected official, isinusulong sa kongreso

Manila, Philippines – Bilang pagsuporta sa kampanya ng Duterte Administration sa war on drugs, isinusulong ngayon ng mga senador ang mandatory drug testing sa mga elected official.

Sa interview ng RMN DZXL Manila, binigyan diin ni Senadora Sherwin Gatchalian na ang public office ay dapat pinagkakatiwalaan kaya nararapat lamang na masailalim din sa drug test ang mga opisyal ng gobyerno.

Sinabi ni Gatchalian na dapat magsimula sa Pangulo hanggang sa barangay kagawad ang drug test.


Isang panukalang batas din aniya ang kanilang isinusulong na naglalayong matanggal sa pwesto ang mga elected official na magpopositibo sa droga.

Suportado naman ni Senadora Joel Villanueva at Chiz Escudero ang mandatory drug testing sa mga elected official.

Facebook Comments