SUPORTADO | MILF Chair Ghazali Jaafar, suportado ang federalism ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Suportado ni Chairman at Moro Islamic Liberation Front Vice Chair Ghazali Jaafar ang isinusulong na Federalism ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Chairman Jaafar, iisa ang direksyon ng Bangsamoro Basic Law (BBL) at ang federalism ni Pangulong Duterte.

Aniya, magkatugma ang layunin ng gobyernong federal sa BBL dahil buburahin nito ang iligal na droga at kurapsyon sa mga lugar na masasakop ng BBL .


Binigyan diin ni Jaafar na walang puwang ang illegal na droga sa Mindanao dahil mahigpit na ipinagbabawal sa banal na Quran ang pagmamanupaktura nito.

Idinagdag ni Jaafar na kapag naayos na ang BBL maayos nila ang pagpapatakbo sa Mindanao na masasakop ng BBL.

Facebook Comments