SUPORTADO | "Motorcycle Taxis", isinusulong ng ilang mga Kongresista

Manila, pPhilippines – Suportado ng dalawang kongresista ang ” motorcycle taxis sa Metro Manila at iba pang urban centers sa bansa.

Naniniwala sina Metro Manila Development Committee Chairman Winston Castelo at Marikina Rep. Bayani Fernando na ang motorsiklo pa rin ang pinakamagandang alternatibo sa masikip na trapiko.

Para aniya ligtas at legal ang operasyon ng mga motorcycle taxis, inirekomenda ni Castelo na magkaroon ng safety measures sa mga motorcycle taxi bago ang mga ito bigyan ng permit na mag operate.


Ayon kay Castelo, malaki ang maitutulong ng motorcycle taxi upang madecongest ang trapiko sa Metro Manila.

Sinabi naman ni LTFRB Executive Director Atty. Samuel Jardin na handa silang pag-aralan ang proposal ng mga mambabatas.

Facebook Comments