SUPORTADO | Pagbalik ng Office of the Press Secretary pinaboran ni Sec. Andanar

Manila, Philippines – Hindi kinontra ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang panukala ni Senate President Tito Sotto na buwagin na ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) at ibalik ang Office of the Press Secretary (OPS).

Ayon kay Andanar, noong 2016 pa niya ipinanukala ang pagbabalik ng Office of the Press Secretary (OPS) pero hindi naman ito napagtuunan ng pansin dahil sa dami ng mga napag-uusapang issue sa bansa.

Bukod aniya dito ay kakailanganin pa ng mas malaking budget sa pagbuo ng OPS dahil madadagdag din ang pagpapadala ng mga press attaché.


Kaya naman sinabi ni Andanar na malaking tulong ang mga naging pahayag ni Senate President Tito Sotto sa usapin dahil mabubuksan nang muli ang issue ng pagbuwag sa PCOO at pagbabalik ng OPS.
Matatandaan na binuwag ang Office of the Press Secretary (OPS) at binuo ang PCOO noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino kasabay din ng pagbuo sa Presidential Communications Development and Strategic Planning Office o PCDSPO.

Facebook Comments