SUPORTADO | Pagdaragdag ng pwersa ng pamahalaan sa lawless areas, suportado ni VP Robredo

Suportado ni Vice President Leni Robredo ang pagtatalaga ng gobyerno ng dagdag na mga pulis at sundalo sa ilang lalawigang apektado ng insureksiyon.

Sa pagbisita ni Robredo noong Sabado sa dalawa sa pitong pulis na nasugatan sa pananambang sa Libmanan, Camarines Sur noong nakaraang linggo.

Ayon kay Robredo, makatutulong ang inilabas na memorandum order (MO) 32 ng palasyo para masugpo ang pananambang sa ilang pulis at sundalo sa Camarines Sur.


Gayunman, dapat pa rin aniyang tingnan ng gobyerno ang ugat kung bakit mayroong mga nangyayaring pag-aalsa.

Batay sa MO 32, ipinag-utos ang pagtatalaga ng karagdagang puwersa ng pulisya at militar sa Samar, Negros Oriental, Negros Occidental at Bicol Region.

Layon ng kautusan na mabawasan ang mga insidente ng karahasan sa mga naturang lugar na umano ay gawa ng mga “lawless group.”

Facebook Comments