SUPORTADO | Pagpapabuti ng relasyon ng Pilipinas at China, suportado ni Speaker Arroyo

Manila, Philippines – Tiniyak ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo kay Chinese President Xi Jinping na suportado ng liderato ng Kamara ang Duterte administration na maging malapit sa China.

Ayon kay Arroyo, maraming dahilan kung bakit dapat panatilihin ang mabuting relasyon ng Pilipinas at China.

Aniya, kung makakabuti sa China ang pagiging malapit nito sa Pilipinas may pakinabang rin ito sa bansa.


Sabi pa ni Arroyo, kapaki-pakinabang rin sa Pilipinas ang pagiging aktibo ng China sa mga organisasyon ng iba’t ibang bansa gaya ng ASEAN.

Giit ni Arroyo, mahalagang magpalakas pa ng ugnayan ang dalawang bansa lalo na at malaki ang Chinese Filipino community sa Pilipinas.

Facebook Comments