Manila, Philippines – Suportado nina Senate Majority Leader Tito Sotto III at Senator Panfilo Ping Lacson ang pagpabor ng Supreme Court sa quo warranto petition na nagpapatalsik kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Diin ni Senator Sotto, ang Supreme Court ang pinakamataas na interpeter ng Constitution at mga batas kaya dapat irespeto ang anumang desisyon nito.
para naman kay Senator Lacson, pinawawalang saysay ng pasya ng kataas taasang hukuman ang impeachment proceeding para kay Sereno.
Naniniwala si Lacson na hindi na iaakyat pa ng Kamara sa Senado ang articles of impeachment laban kay Sereno kaya wala ng impeachment trial na kailangang isagawa ang Senado.
Kasabay nito ay nagpasaring din si Lacson sa kanyang post sa Twitter sa pagsasabing biggest winners sa SC ruling ang mga abogadong pulpol na handa sanang magkalat ng katangahan sa impeachment trial na hindi na mangyayari.