SUPORTADO | Pagpili kay Albayalde bilang susunod na PNP Chief, umani ng suporta mula sa mga senador

Manila, Philippines – Para kay Senate Majority Leader Tito Sotto III, good choice si National Capital Region Police Office o NCRPO Chief Director Oscar Albayalde para maging susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP) dahil malinis ang record nito.

Hanga naman si Senator JV Ejercito sa pagiging disciplinarian ni Albayalde kasunod ng isinagawa nitong serye ng pag-iinspeksyon sa mga presinto sa kalakhang maynila kahit dis-oras ng gabi.

Diin ni Ejercito, ipinakita ni Albayalde ang debosyon sa trabaho at pagsasakripisyo sa kanyang seguridad matiyak lang na maayos na maibibigay sa mamamayan ang nararapat na serbisyo at proteksyon mula sa PNP.


Good luck naman agad ang wish ni Senator Win Gatchalian para kay Albayalde kasabay ang pagpuri sa reputasyon nito, pagiging magaling na lider at disciplinarian din.

Hiling ni Gatchalian kay Albayalde, gamitin nito ang sariling istilo ng pamumuno para linisin ang PNP mula sa mga tiwaling miyembro.

Facebook Comments