Manila, Philippines – Buo ang suporta ni Senator Panfilo Ping Lacson sa pagpili ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Army Chief Lieutenant General Rolando Bautista para maging kalihim ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Tugon ito ni Lacson sa mga tumututol na kunin sa militar ang susunod na mamumuno sa DSWD.
Diin ni Lacson, ang diskriminasyon laban sa mga taga-militar na magkaroon ng pwesto sa pamahalaan ay nagpapakita ng pagiging hindi patas at kawalan ng malawak na pananaw.
Iginiit ni Lacson na mas dapat bigyang-halaga ay ang karakter, husay at reputasyon sa pagsi-serbisyo sa publiko ni Bautista at hindi sa kung saan ito nanggaling.
Inaasahan naman ni Senator Win Gatchalian na sa taglay na disiplina ni Bautista bilang pinuno ng Philippine Army ay gagawin nito ang lahat ng makakaya para maging epektibong DSWD secretary.