SUPORTADO | Pagre-resign ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa DOJ, dapat lang ayon kay Senador Pangilinan

Manila, Philippines – Naaayon ang ginawang pagbibitiw sa pwesto ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ). Ito ang sinabi ni Senator Kiko Pangilinan kasunod ng ginawang anunsyo ng Pangulo kaugnay dito.

Ayon sa senador, matagal na nilang hinihingi ang pagbibitiw nito. At umaasa aniya sila na hindi na ito ia- appoint pa sa ibang pwesto sa pamahalaan.

Marami aniyang dapat ipaliwanag si Aguirre at dapat rin itong paimbestigahan sa naging pamamalakad nito sa DOJ, lalo at na naabswelto sa kaso ang ilang self confess big time drug lord.


Kaugnay nito, welcome naman aniya ang pagkakatalaga ni Senior Deputy Executive Secretary Menandro Guevarra, bilang OIC ng DOJ.

Ayon kay Pangilinan, personal niyang kilala si Guevarra, at bukod sa pagiging propesyunal, ay naninindigan ito ng naaayon sa batas.

Facebook Comments