SUPORTADO | Palasyo, nirerespeto ang desisyon ng SEC sa pagpapawalang bisa ng lisensya ng Rappler

Manila, Philippines – Iginagalang ng Palasyo ng Malacañang ang inilabas na desisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) na nagpapawalang bisa sa license to operate ng online news agency na Rappler.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, mayroong kapangyarihan ang SEC na magdetermina o tukuyin ang legalidad ng mga korporasyon sa buong bansa.

Malinaw aniya ang nakasaad sa batas na dapat ay Filipino Owned ang Mass Media entities at dapat itong pangasiwaan ng isang Pilipino.


Binigyang diin din naman ni Roque na maaari din namang umapela ang Rappler sa SEC hanggang hindi pa ito naglalabas ng pinal na desisyon.

Facebook Comments