Manila, Philippines – Suportado ni PBA Commissioner Willie Marcial ang pagtanggap ng mga Fil-foreign players na maglalaro sa bawat teams sa PBA.
Ito ay sa kabila ng lumalalang isyu sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) kung saan nilimitahan lamang nila na isang Fil-foreign player kada team.
Ayon kay Marcial, dapat na pagbigyang maglaro ang mga Foreign basketball players na may dugong Pinoy lalo na at nais nilang makilala at ipakilala ang pinanggalingan nilang bansa.
Sinabi ni Marcial na kahit na suportado niya ang mga paglalaro ng mga Fil-Am sa bansa, wala naman daw siyang planong baguhin ang rules na limang Fil-Am players ang pwedeng kunin ng kada team sa PBA.
Facebook Comments