SUPORTADO | PDEA, ikinagalak ang suporta ng Malacañang sa mungkahi nilang drug testing sa grade 4 students

Manila, Philippines – Ikinatuwa ni PDEA Director Aaron Aquino ang pagsuporta ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa mungkahi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na isailalim sa mandatory drug testing mula grade 4 hanggang sa college students.

Ayon kay Aquino, ang pahayag ni Panelo ay nagpapakita ng isang positibong hakbang tungo sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga .

Sinabi pa ng PDEA chief na ang isinusulong nila na mandatory at surprise drug testing sa mga estudyante ay bahagi ng holistic approach ng PDEA upang mapigilan ang paglaganap ng illegal drugs sa paaralan at mailigtas ang kabataan sa masamang epekto nito.


Ang hakbang ng PDEA ay ginawa base sa report kung saan 1,820 minors na kanilang naaresto at na-rescue mula 2016 hanggang sa kasalukuyan ay nasasangkot sa illegal drugs na karamihan ay mga pushers, pinakabata ay 6 na taong gulang.

Patunay lamang ito na ang pagkalat ng illegal drugs sa hanay ng mga estudyante ay umabot na sa lebel na nakakaalarma at nakakabahala.

Kailangan na dito ang seryoso at agarang interbensyon ng PDEA at iba pang government agencies.

Nagpasalamat din si Aquino sa SWS survey kung saan majority ng mga Pinoy ay pumapayag na isulong ng PDEA ang programa

Facebook Comments