Patuloy ang pagbuhos ng suporta sa isang petisyon sa Amerika na gawing Education Secretary si LeBron James ng bansa.
Ang petisyon na para kay U.S. President Donald Trump ay naglalayon na palitan ni James ang kasalukuyang Secretary of Education na si Betsy Devos.
Sa ngayon mahigit na sa labing-isang libong katao na ang pumirma sa petisyon.
Ayon sa mga nagsusulong ng panawagan, isang inspirasyon ang Los Angeles Lakers superstar sa kaniyang pagpapakita ng malasakit, pang-unawa at suporta sa kahalagahan ng pampublikong edukasyon para sa mga kabataan ng Estados Unidos.
Kamakailan ay binuksan ni James ang I Promise School sa kaniyang hometown sa Akron, Ohio kung saan 240 na kabataan ang mabibigyan ng pagkakataon na makatapos ng Kolehiyo na libre sa tuition at iba pang gastusin.
Bagaman at marami ang nagnanais na maging Secretary of Education si James malabo naman mangyari ito dahil kakapirma lang nito ng apat na taon na kontrata sa Lakers.