SUPORTADO | Planong audit sa paglaban sa krimen at ilegal ng droga ng LGUs, suportado ni Sen. Lacson

Manila, Philippines – Buo ang suporta ni Committee on Public Order ang Dangerous Drugs Chairman Senator Panfilo Ping Lacson sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-audit sa mga opisyal ng Local Government Units o LGUs.

Dahil ito sa kabiguan ng ilang mayor na labanan ang krimen at pagkalat ng ilegal na droga sa kanilang hurisdiksyon.

Katwiran ni Lacson, hindi kakayaning mag-isa ni Pangulong Duterte na lutasin ang mga nangyayaring krimen sa bansa.


Ipinaliwanag ni Lacson na sa ilalim ng inamyendahang local government code, ay may kapangyarihan ang mga lokal na opisyal na mag-deploy ng mga pulis na nakatalaga sa lugar na sakop nila at magrekomenda ng police chief sa kanilang komunidad.

Bunsod nito ay iginiit ni Lacson na dapat managot ang mga local executives na mabibigong gampanan ang kanilang tungkulin na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa lugar na kanilang pinamumunuan.

Facebook Comments