SUPORTADO | Sen. Drilon, kumbinsidong dito sa Pilipinas dapat gawin ang peace talks sa komunistang grupo

Manila, Philippines – Sinuportahan ni Senate Minority Leader Franklin M. Drilon ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na dito sa Pilipinas gawin ang usapang pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines-New Peoples Army – National Democratic Front o CPP-NPA-NDF.

Kinikilala ni Drilon ang malaking papel na ginampanan ng Norwegian Government sa peace process pero panahon para masolo ng gobyerno at ng komunistang grupo ang pag-uusap para sa kapayapaan.

Ipinunto pa ni Drilon na palagi na lang sa labas ng bansa ginagawa ang peace talks pero hindi ito umuusap kaya mainam na subukang gawin ito sa ating lugar.


Wala ring nakikitang dahilan si Drilon para hindi dito sumang-ayon ang komunistang grupo na magtungo dito sa Pilipinas para makipag-usap sa gobyerno.

Dismayado si Drilon dahil sa matapos ang paulit-ulit na pagharap sa negotiating table ay hindi pa rin kinikilala ng CPP-NPA-NDF ang ating gobyerno.

Facebook Comments