Manila, Philippines – Buo ang suporta ni Senator Panfilo Ping Lacson sa pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay retired Army Chief Lieutenant General Rolando Bautista bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Sang-ayon si Lacson, sa palaging iginigiit ni Pangulong Duterte na ang pagiging masunurin o pagtupad sa tungkulin ng mga sundalo ay hinulma sa pinagdaanan nilang matinding pagsasanay.
Diin ni Lacson, sila na nagmula sa uniformed service ay nakatuon sa kanilang misyon at prayoridad nilang tuparin ang kanilang mabuting mga layunin.
Si Senate President Tito Sotto III naman ay interesadong masubaybayan kung paano pamumunuan ng isang dating sundalo ang DSWD.
Sinabi ni Sotto na sa ngayon ay wala din siyang alam na tutol sa paglusot ni Bautista sa commission on appointments.