SUPORTADO | Sen. Pimentel, dudang susuportahan ng mga kongresista ang anti-political dynasty bill

Manila, Philippines – Buo ang suporta ni Senator Koko Pimentel sa panukalang anti political dynasty o magkakamag-anak na politiko na sabay-sabay nakapwesto sa gobyerno.

Gayunpaman, duda si Pimentel na ipapasa ito ng mga kongresista.

Bunsod nito ay iginiit ni Pimentel na mas mabuting ipaloob na lang sa konstitusyon ang anti-dynasty provision para hindi makapalag ang mga mambabatas.


Samantala, si Senator JV Ejercito naman ay isinulong na sa plenaryo ng Senado ang Senate Bill No. 1765 o ang Anti-Political Dynasty Act of 2018 kahit pa siya ay nabibilang sa isang political family.

Paliwanag ni Ejercito, mahigit 100-milyon na ang populasyon ng Pilipinas at marapat lang na mabigyan naman ang iba ng pagkakataon na mahalal at makapaglingkod sa bayan.

Facebook Comments