SUPORTADO | Sen. Recto, kumbinsido sa planong pag-audit ng Pangulo sa LGUs

Manila, Philippines – Suportado ni Senate President pro tempore Ralph Recto ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-audit sa pamunuan ng Local Government Units o LGUs.

Ayon kay Recto, may kapangyarihan ang Pangulo na atasan ang Department of Interior and Local Government o DILG na magsagawa ng audit sa mga local chief executives.

Kumbinsido si Recto na ang deriktiba ni Pangulong Duterte ay bahagi pa rin ng pagtupad nito sa pangako noong panahon ng kampanya na pagresolba sa kriminalidad sa buong bansa.


Malinaw para kay Recto ang mensaheng nais iparating ng Pangulo sa mga alkalde ng bawat lungsod at bayan na iprayoridad ang pagpapanatili ng law and order para maging ligtas ang mga lansangan.

Facebook Comments