SUPORTADO | Senator Lacson, pabor na imbestigahan ng senado ang 60-M DOT controversy

Manila, Philippines – Suportado ni Senator Panfilo Ping Lacson ang iginigiit ni Senator Antonio Trillanes IV sa Senate Blue Ribbon Committee na imbestigahan ang kontrobersyal na 60-milyong pisong kontrata ng Dept. of Tourism sa magkapatid na Tulfo.

Ipinunto ni Senator Lacson na mismong commission on audit na ang kumwestyon sa nabanggit na kontrata sangkot ang malaking pera ng bayan.

Pinuna din ni Lacson ang pahayag ni Ben Tulfo na mamumuti na ang mata ng mga naghihintay na ibalik nila ang natanggap na 60-million pesos pero wala silang isasauli.


Diin ni Lacson, sa halip na mamuti ay manlilisik ang mga mata ng taumbayan at ng batas sa nabanggit na aksyon ng mga Tulfo.

Facebook Comments